
Isang Bantay, Isang Bayan
Ni M. Aquino | Oktubre 3, 2026

Huwaran. Sandigan. Maaasahan. Tatlong salitang maaaring maglarawan sa isang taong hindi lamang nakikita ang pangangailangan ng kaniyang kapwa, kundi handang tumindig upang tumulong. Sa kaniyang matibay na paninindigan at paniniwala sa kahalagahan ng agrikultura at edukasyon, mas pinipili niyang maging bahagi ng solusyon kaysa manatiling tagamasid sa mga hamon ng bayan.
Isang tapat na tagapamahala at maaasahang katuwang, siya’y walang iba kundi si Dr. Juan Lopez, director ng National Disaster Risk Reduction Management—isang taong iniuugnay sa malasakit sa kapwa Pilipino at sa patuloy na pagtupad sa tungkulin para sa mga paaralan, magsasaka, pamilya, at pamayanan. Sa kaniyang posisyon, hindi lamang mga plano at programa ang kaniyang pinanghahawakan, kundi ang responsibilidad na ihanda ang mga taong higit na nangangailangan ng gabay sa panahon ng sakuna.
“We are trying our best for the students, farmers as well as the families to assist and help them to prepare for the El Nino disaster.” Sa simpleng mensaheng ito, mababakas ang isang layuning higit pa sa pagtupad sa tungkulin—ang pagtiyak na walang maiiwan sa paghahanda. Para sa mga batang mamamahayag, maaari itong maging paalala na ang paglilingkod sa bayan ay hindi lamang nasusukat sa laki ng posisyon, kundi sa lawak ng malasakit na naibabahagi sa kapwa. Ang kaniyang mga salita ay nagsisilbing bukal ng motibasyon upang higit na maunawaan ang mga suliraning kinakaharap ng bansa, magbigay-kamalayan, at matutong ipagmalaki at mahalin ang sariling bayan.
Kung karanasan naman ang pag-uusapan, ang kaniyang matagal na paglilingkod ay nagsisilbing puhunan sa patuloy na pagtulong at pakikibahagi sa pag-unlad ng edukasyon at bansa. Sa bawat tungkuling ginagampanan, nabubuo ang isang imahe ng lider na hindi lamang nagbibigay ng direksiyon, kundi marunong ding makinig sa pangangailangan ng mga taong kaniyang pinaglilingkuran.
Sa huli, si Dr. Juan Lopez ay hindi lamang isang pangalan sa likod ng isang posisyon. Siya ang larawan ng isang “Guardian-Man” ng bayan—gagabay sa oras ng pangangailangan, magsisilbing sandigan sa gitna ng pagbabago, at makikibahagi sa paghubog ng edukasyong mas handa, pamayanang mas matatag, at kinabukasang mas may pag-asa.
Sapagkat ang tunay na huwaran ay hindi lamang taong nauuna sa harap.
Siya ang taong naninindigan upang walang maiwang nasa likod.


Mahal Magmahal
Ni M. Aquino | Oktubre 3, 2026

Takal ng Bukas
Ni M. Aquino | Oktubre 3, 2026
Ano ang naramdaman mo tungkol sa artikulong ito?
Piliin ang reaksyong pinakamalapit sa iyong naramdaman.