
We have better resiliency for El Niño — Lopez
Ni G. Silang | Oktubre 3, 2026

BAWAT PATAK, INIIPON. Kinokonserba ang bawat patak ng tubig bilang bahagi ng paunang pagtugon at pagtitipid ng mamamayan sa gitna ng banta ng malaking kakulangan sa suplay ng tubig at tagtuyot sa buong bansa
Hinimok ni Juan Lopez, direktor ng National Disaster Risk Reduction Management Office, ang publiko na palakasin ang kahandaan mula personal na antas hanggang pamilya at komunidad upang harapin ang mga hamong dulot ng El Niño, Oktubre 3.
“We have better resiliency for El Niño,” ani Lopez, bilang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng katatagan ng mga mamamayan sa pagharap sa naturang kondisyon.
Iginiit din niya ang pangangailangang magsagawa ng mga preventive measure bilang bahagi ng paghahanda sa mga posibleng epekto ng El Niño.
Kabilang dito ang pagsusulong ng solar energy sa mga komunidad upang makatulong sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Hinimok din ni Lopez ang publiko na magsagawa ng conservation of electricity at magtipid sa paggamit ng kuryente.
“We will provide you the quality you deserve,” pahayag ni Lopez kaugnay ng mga hakbang na inihahanda para sa mga mamamayan.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng kaligtasan sa harap ng mga posibleng panganib na maaaring idulot ng El Niño.
“To ensure that walang mawawalan ng buhay,” ani Lopez.
Kasabay nito, sinabi ni Lopez na kailangang maging makatotohanan ang paghahanda sa halip na ipagpalagay na walang panganib na maaaring mangyari.
“We will not fake that there will be no people die,” pahayag niya.
Sa kabila ng mga panganib, nagpahayag si Lopez ng pag-asa na maiiwasan ang pagkawala ng buhay sa pamamagitan ng paghahanda.
“Let’s hope and pray that no one will die,” dagdag niya.
Kasama rin sa paghahanda ang pagpapakilos ng mga lokal na opisyal mula lungsod hanggang barangay upang maipatupad ang mga protective measure.
Magkakaroon din ng mga seminar upang maihanda ang iba’t ibang komunidad sa mga hakbang na dapat isagawa.


El Niño, pinangangambahan; Sektor ng agrikultura, labis na naaapektuhan
Ni G. Silang | Oktubre 3, 2026

₱30 bilyon, inilaan ng pamahalaan sa sektor ng edukasyon
Ni G. Silang | Oktubre 3, 2026
Ano ang naramdaman mo tungkol sa artikulong ito?
Piliin ang reaksyong pinakamalapit sa iyong naramdaman.