EDU-AKSYON. Binigyang-diin sa schools press conference ang pagsasailalim ng alternative delivery modes (ADM) bilang pagtugon sa paaralan sa kabila ng hamon na dulot ng El Niño.

Pinaigting ng pamahalaan ang paghahanda sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng ₱30 bilyong suporta upang mapanatili ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa gitna ng mga pagbabagong dulot ng El Niño, Oktubre 3.

Ayon kay Juan Lopez, direktor ng National Disaster Risk Reduction Management Office, nakatuon ang naturang pondo sa mga hakbang na tutugon sa epekto ng matinding heat index sa mga paaralan, upang maipagpatuloy ang pag-aaraal ng mga mag-aaral.

Itatakda rin ang oras ng klase mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon upang mabawasan ang pagkakalantad ng mga mag-aaral sa matinding init.

Kasabay ng pagbabago sa iskedyul, gagamitin ang iba’t ibang learning modalities upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan.

Kabilang dito ang online classes at modular classes para sa mga mag-aaral mula elementarya hanggang high school.

Gayunman, nananatiling hamon ang kakulangan ng internet para sa mga kabataang umaasa sa online learning.

Bilang tugon, maglalaan ng internet connections upang masuportahan ang access ng mga mag-aaral sa kanilang mga learning modality.

Magkakaroon din ng hotspots sa mga barangay upang mapalawak ang koneksyon ng mga kabataang nangangailangan ng internet para sa pag-aaral.

Ayon kay Lopez, kabilang sa mga gagamiting paraan ang modules at online classes upang magkaroon ng alternatibong access sa pagkatuto ang mga mag-aaral.

Bahagi rin ng education empowerment programs ang mga hakbang na nakatuon sa pagtugon sa pangangailangan ng sektor ng edukasyon.

Iginiit niya na bibigyang-daan ang paggamit ng teknolohiya at alternatibong learning modalities kasabay ng pagbabago sa karaniwang sistema ng klase at upang matugunan ang mga learning gaps.

Dagdag pa rito, binigyang diin niya na ang ₱30 bilyong suporta ay nagsisilbing pangunahing tugon ng pamahalaan para sa sektor ng edukasyon habang inaangkop ang mga paraan ng pag-aaral sa mga pagbabagong dulot ng El Niño.

Ano ang naramdaman mo tungkol sa artikulong ito?

Piliin ang reaksyong pinakamalapit sa iyong naramdaman.

🌤️ LAOAG — 32°C
🌤️ VIGAN — 32°C
🌤️ LA UNION — 32°C
🌤️ DAGUPAN — 33°C
☀️ METRO MANILA — 32°C
🌤️ LAOAG — 32°C
🌤️ VIGAN — 32°C
🌤️ LA UNION — 32°C
🌤️ DAGUPAN — 33°C
☀️ METRO MANILA — 32°C

Scroll to Top