
El Niño, pinangangambahan; Sektor ng agrikultura, labis na naaapektuhan
Ni G. Silang | Oktubre 3, 2026

INIT-SYATIBO. Tinalakay sa isinagawang press conference sa North Western University (NWU) ang epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura, at mga programang makakatulong upang matugunan ang mga ito, Oktubre 3.
LAOAG, ILOCOS NORTE — Ikinababahala ng sangkatauhan ang matinding El Niño na inaasahang magsisimula sa Nobyembre at maaaring magtapos sa Mayo 2027 dahil sa malawak na epekto nito sa sektor ng agrikultura, Oktubre 3, 2026.
Ayon kay Juan Lopez, direktor ng National Disaster Risk Reduction Management Office, kabilang sa pinakamalaking suliraning dulot ng El Niño ang tagtuyot na lubhang nakaaapekto sa sektor ng agrikultura.
Epekto ng El Niño
Ayon sa kanya, malaking kakulangan sa suplay ng tubig ang maaaring maranasan sa panahon ng El Niño, na magiging dagdag na hamon sa sektor ng agrikultura.
“Maaapektuhan din ang mga magsasaka dahil sa pagbabago ng weather patterns na may kasamang pagbabago sa humidity at precipitation” saad niya.
Sa kabila ng tagtuyot, maaari ring makaranas ng malalakas na pag-ulan na nagpapakita ng pabago-bagong kondisyon ng panahon.
Gayundin, inilahad na 43 probinsya ang maaaring malubhang maapektuhan ng El Niño.
Kabilang sa mga lugar na nabanggit ang Cagayan, Isabela at ilang bahagi ng Visayas na maaaring makaranas ng matinding epekto nito.
Dahilan at Paghahanda
Inilahad ni Lopez na kabilang sa mga sanhi ng El Niño ang pagbabago ng panahon at global warming.
Dahil dito, kailangang matulungan ang mga magsasaka na makaangkop sa nagbabagong weather patterns na maaaring makaapekto sa kanilang sektor.
Dagdag pa niya, ipinabatid sa national council ang pangangailangang pakilusin ang mga government unit upang mapaghandaan ang mga epekto ng El Niño.
Magkakaroon din ng mga kaayusan para sa pagpapakilos ng mga lokal na opisyal mula lungsod hanggang barangay upang maisagawa ang mga protective measure.
Isasagawa rin ang mga seminar bilang bahagi ng paghahanda sa mga posibleng epekto ng El Niño.
Mga Programa
Iginiit ni Lopez na tutulungan ng pamahalaan ang mga magsasaka na makaangkop sa nagbabagong kondisyon ng panahon.
Ipakikilala rin ang mga pananim na resilient kahit limitado ang suplay ng tubig upang makatulong sa mga magsasaka sa harap ng kakulangan sa tubig.
“Ipapakilala at ibabahagi natin sa mga magsasaka ang mga resilient crops”, saad niya.
Magbibigay rin ng insurance at cash assistance sa mga lugar na makararanas ng matinding pinsala, kabilang ang Leyte at Samar.
May inilaan ding ₱28 bilyon para sa mitigation dahil isinasaalang-alang ang agrikultura bilang sektor na lubhang maaapektuhan ng El Niño.
Ilalabas din ang emergency funds mula sa local funds na katumbas ng 30 porsiyento ng budget, habang magpapahiram ang National Government ng ₱30 bilyon bilang emergency fund upang makatulong sa mga Pilipinong maaapektuhan.


₱30 bilyon, inilaan ng pamahalaan sa sektor ng edukasyon
Ni G. Silang | Oktubre 3, 2026

We have better resiliency for El niño — Lopez
Ni G. Silang | Oktubre 3, 2026
Ano ang naramdaman mo tungkol sa artikulong ito?
Piliin ang reaksyong pinakamalapit sa iyong naramdaman.