
Basilio, pinangunahan ang GNHS Sharks; tiket sa finals selyado na
Ni A. Mabini | Oktubre 3, 2026

THREE VERSUS ONE. Hindi nagpatinag si Basilio ng Gabu National High School Lady Sharks matapos siyang paligiran ng tatlong manlalaro ng llocos Norte College of Arts and Trades sa isang makapigil-hiningang sagupaan sa 3×3 Semifinals, Oktubre 3.
LAOAG CITY — Opisyal nang nasungkit ng Gabu National High School (GNHS) Lady Sharks ang pinakaaasam-asam na tiket sa Finals kontra sa Ilocos Norte College of Arts and Trades (INCAT) Lady Wild Cats, 12-5, sa dikdikang salpukang Inter-School Basketball Girls 3×3 Semifinals Secondary na ginanap sa Northwestern University (NWU) Student Center, kanina.
Itinanghal na star player si Jersey No. 4 Basilio matapos magpakawala ng mga nagliliyab na rainbow territorial shots at nag-aalab na dalawang puntos na tira.
Agarang nagpasiklab ang nagngingingitngit na Lady Wild Cats matapos kumamada ng mga nagliliyab na lay-up upang simulan ang kanilang maagang kampanya, 3-0.
Hindi naman nagpadaig ang Lady Sharks nang magpakawala si Basilio ng mga umaatikabong lay-up, na sinabayan pa ng mga matatalas na dalawang-puntos na tira upang agawin ang momentum at ilapit ang iskor sa 6-4.
“Masaya po kasi makakalaro po ulit kami sa Finals,” ani Basilio, na abot-tainga ang ngiti matapos ang kanilang pagkapanalo.
Gayunpaman, tuluyan nang idinispatsa ng Lady Sharks ang Lady Wild Cats matapos kumamada ng sunod-sunod na nagliliyab na dalawang-puntos na tira, na hinaluan pa ng mga maiingat rainbow territorial shots, upang tuluyang isara ang laban, 12-5.
Samantala, inialay naman ni Basilio ang kanilang panalo sa kanyang suportibong pamilya.
Muling raratsada ang Lady Sharks sa Finals sa kanilang laban sa Ilocos Norte National High School (INNHS) Blue Eagles, kung saan kanilang susubukang angkinin ang kampeonato.


Sa Bawat Tira, Pangarap ang Lumalagapak
Ni A. Mabini | Oktubre 3, 2026

Balanseng Responsibilidad Tungo sa Pag-usad
Ni A. Mabini | Oktubre 3, 2026
Ano ang naramdaman mo tungkol sa artikulong ito?
Piliin ang reaksyong pinakamalapit sa iyong naramdaman.